Chapter Seventy Mahal ko ang asawa ko. Hindi ko kayang mawala ito sa akin. Pero habang lumilipas ang araw... na para bang bumalik ako sa kabataan namin ni Gemma... nakalimutan ko ang asawa ko. Napabayaan ko ito. Alam kong labis na itong nasasaktan. Alam ko rin kung ano ang kailangan nito pero hindi ko maibigay. Mas lalo ngayon. Mahal ko ito pero hindi ko siya makuhang hawakan... ayaw ng isip at katawan ko. Sex? Hindi ko maibigay iyong sa kanya. She wants it... pero tumatanggi ang isip at katawan ko. Nagtatalo na kami nito. Walang tigil na pagtatalo at nakikita ko na ang frustration dito. Naguguluhan na naman ang utak ko. Sa tuwing nagpapalitan kami ng salita ay nablablanko ako. Iniisip ko na baka maging hadlang ito sa kung ano ang mayroon ulit kami ni Gemma... mas malala ngayong a