Puro lang kasiyahan 'yong nadarama ko ngayon. Ilang araw na kaming kasal ni Abram. Nakikita ko ang efforts nito. Sa totoo lang, ayaw pa sana naming umuwi. Ngunit tumawag ang secretary ni Abram at ibinalitang nagkagulo raw si Mommy at ang ina ni Abram sa mismong office ng asawa ko. Kaya naman nagdesisyon kami nitong umuwi na. "Ate, kunin mo na po ito." Alok ko kay Ateng Bungi. Mahigit 2 weeks din kami sa lugar na ito. Pero hindi ko man lang natandaan ang kanilang mga pangalan. Ang daming Marites sa harap ng paupahan. Umaasang mababahagian namin ng gamit. Hindi rin naman namin kakailanganin ng mga gamit na binili namin. Kaya ipamimigay na lang daw, idea iyon ni Abram. Ang nasa isip ko nga ay iwan na lang. Pero sabi naman ni Abram kapag gano'n daw ay si Manang Neneth lang ang makikina

