"Pogi, mas mukha naman akong mabait kaysa kay Sysy. 150 oh, higher offer na 'yon." Napapantastikahan akong napatitig sa babae. Tulog si Batsy. Nandito ako sa labas at hinihintay ang mga kaibigan ko nang lumapit ang babaeng ito na medyo pamilyar na sa akin dahil madalas nasa harap ng bahay ni Manang Neneth. "Excuse me?" "Pensyonado na rin ako. Hindi mo kailangan mangupahan kasama 'yong si Sysy. Mukha namang maldita at hindi magaling sa kama." "Hindi mo alam 'yang sinasabi mo." Napangisi ako sa huling sinabi nito. Itataya ko ang yaman ko, always satisfied ako sa tuwing natatapos kami ni Batsy. "160." Napakamot ako sa ulo na tinignan ito mula ulo hanggang paa. "Alam mo bang nanunugod 'yong asawa ko? May babae na rin s'yang kinalbo kasi lapit nang lapit sa akin. Tapos may ipinatumba n

