Kabanata 6
Dream
Habang nasa hardin ako nagdidilig ng mga halaman ay hindi ko mapigilang mapaisip kay Sir. Ilang taon na kaya ito? Bakit kaya palaging malamig ang mga tingin nito? Pero kahit na ganon ay hindi nabawasan ang kagwapuhan nito.
"Azalea!" Napatigil ako sa ginagawa ko ng may tumawag sa akin.
Lumingin ako dito at tila tumigil ang mundo ko ng makitang papalapit sa akin si Sir na nakangiti.
"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Nakangiti nitong sambit. Para akong nanghina ng makita ko siyang nakangiti sa akin.
Bakit parang nag-iba ang turing nito sa akin?
"B-Bakit po Sir?" Kinakabahan kong sabi.
Muntik na 'kong mapatili ng hinawakan nito ang bewang ko at nilapit niya ako sa kanya.
"I miss you." Malambing nitong sabi na nagpataas ng balahibo ko.
"I miss you too." Hindi ko alam kung paano ko nasabi 'yun basta nalang lumabas sa bibig ko ang mga katagang 'yun.
Napatingala ako sa kanya ng makitang unti-unti siyang lumapit sa akin hanggang sa ilang dangkal nalang ay mahahalikan ko na siya kaya napapikit ako at hinintay kong dumapo ang kanyang mga labi sa akin.
Konti nalang, mahahalikan na niya ako.
Kalma ka lang Azalea.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng may yumugyog sa akin at bigla akong napa-upo ng mapagtanto ang lahat.
"Kanina pa kita ginigising, ang sarap sarap ng tulog mo eh. Bakit ka nga ba nakanguso niya? Nanaginip ka ba?" Tanong ni ate na nagpagising sa diwa ko.
Tinakpan ko ang mukha ko at gusto kong sumigaw sa hiya.
Bakit ganon ang napaniginipan ko?
Anong ibig sabihin non?
Nagkakagusto na ba ako kay Sir?
Baliw ka na talaga, Azalea!
Nagpantasya ka pa na sweet sayo si Sir! Nahihibang na talaga ako!
"W-Wala po ate." Nakaiwas kong sabi sa kanya.
"Sure ka ba? Wait.. Mag-ayos ka na pala, sumunod ka na sa akin sa labas dahil baka mapagalitan pa tayo ni Sir kung makita niyang wala tayong ginagawa dito." Nagmamadali nitong sabi at nakahinga ako ng malalim ng hindi na ito nag-usisa pa.
Paglabas nito ay nagmadali na 'kong pumasok sa banyo para maligo.
At nang matapos na 'ko sa pag-aayos ay lumabas na ako. Napatingin ako sa paligid baka biglang sumulpot si Sir, ayoko pa naman siyang makita ngayon dahil sa napaginipan ko.
Pumunta muna ako sa kusina at nakita ko si manang na may inaayos sa kusina.
"Oh.. Buti gising kana Azalea, kumain kana diyan at puntahan mo sa swimming pool si Jenneth para tulungan siya sa paglilinis." Sabi ni manang habang abala ito sa pag-aayos.
"Sige po, manang." Tugon ko at nagsimula na akong kumain.
Sa kalagitnaan ng aking pagkain ay nakita kong pumasok si Sir at muntik ko ng mabitawan yong baso ko ng makita siyang tumingin sa akin.
Agad akong umiwas ng tingin at feeling ko ay lalagnatin ako sa pakiramdam ko ngayon.
"Good morning sir, hindi ko po inaasahan na dito kayo kakain. Maupo muna kayo sir, ipaghahanda lang po kita ng iyong makakain." Masayang sambit ni manang at ako naman ay kinakabahan na dito habang kumakain.
"Salamat, manang." Sabi nito at umupo sa harapan ko.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil pati mga tuhod ko ay nanginginig na rin.
Ang plano ko kasi ngayon ay hindi siya makita kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan 'yong napaginipan ko.
Napatuwid ako ng upo ng pasimple akong tiningnan ni manang at parang pinapaalis na niya ako sa lamesa at kung tapos na ba ako.
Biglang pumasok sa isip ko na ayaw pala ni sir na may ibang taong kasama katulad nong naglinis ako sa swimming pool nong nakaraang araw.
Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko at yumuko sa harap ni sir.
"Good morning po pala sir, mauna na po ako." Sambit ko at ni isang salita ay wala akong narinig sa kanya kaya nilagay ko na ang aking pinagkainan sa lababo at hinugasan ko muna ito.
Bago ako umalis sa kusina ay sinulyapan ko siya at nakita ko kung paano siya kumain nang tahimik.
Bago pa niya ako mapansin ay lumabas na ako at pumunta na sa swimming pool kung saan ay nandoon si ate Jenneth.
"Oh.. Buti nandito ka na, tulungan mo nga akong diligan itong mga halaman." Sambit ni ate kaya lumapit agad ako sa kanya.
"Okay po" tugon ko.
Habang dinidiligan ko ang halaman ay hindi ko mapigilang mapatingin sa banda ni ate. Kanina pa may gumugulo sa isipan ko eh at may namumuo ng tanong sa aking isipan pero hindi ko kayang sabihin ito kay ate.
"Baka matunaw ako sa titig mo ha, may kailangan ka ba?" Nakangisi nitong sabi sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at hindi ko mapigilang kabahan.
"A-Ahm... Ate, may itatanong lang po ako sainyo." Sambit ko sa kanya.
"Sige, ano yon?" Sabi nito habang pinagpapatuloy ang ginagawa.
"G-Ganon na ba talaga 'yong ugali ni Sir? Yong cold siya at parang galit?" Kinakabahan kong sabi at para akong napahiya ng makitang tumawa ito sa tanong ko.
"B-Bakit po?" Nahihiya kong tanong.
"Ilang araw ka na dito, Azalea pero ngayon mo lang natanong 'yan. Hindi ka na nasanay kay Sir, ganon talaga 'yon mailap sa tao maliban lang kay manang na ilang taon na naninilbihan dito." Nakangisi nitong sabi.
"N-Nahihiya kasi akong magtanong tungkol sa kanya, Ate." Sambit ko at natatawa pa rin itong tumango sa akin.
"Bakit? May gusto ka ba kay Sir?" Bigla nitong sabi na muntik ko ng bitawan ang hose ng tubig.
"A-Ano po? H-Hindi po, ba't naman ako magkakagusto 'don?" Kinakabahan kong sabi pati ang puso ko ay nakikisabay rin sa kaba kko
"Ito naman joke lang! Hahaha imposible naman ang sinasabi ko. Masyado kang inosente pagdating sa pag-ibig kaya wag ka munang sumubok na pumasok sa isang relasyon, okay?" Pagpapaalala nito at tumango ako sa kanya.
My brother is also protective of me kaya imposible ang sinasabi ni ate na magkakarelasyon ako. Baka magwala ang kuya ko kapag nalaman niyang nagkakagusto na ako sa ibang lalaki.
"Pwede pa po bang magtanong?" Hirit kong tanong at tumango naman ito.
"Nasaan po pala ang mga magulang ni Sir?" Tanong ko at nakita kong napatigil si ate kaya napakunot noo ako.
Tumigil ito sa ginagawa at hinarap ako.
"Ngayon ko lang 'to sasabihin sayo kaya makinig ka ha." Seryoso nitong sabi kaya napatango ka agad ako.
"Someone shoot them at hindi ako sigurado kung aksidente ba 'yon o sinadya dahil sinekreto na ng mga tito ni sir ang mga ibang detalye ng pagkamatay nila." Seryoso nitong pahayag at parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam bakit nararamdaman ko 'to.
"Wag mo ng tatanungin 'yan ha lalong lalo na sa harap ni sir, wag mong babanggitin ang pamilya niya dahil siguradong magagalit 'yon." Sabi pa nito at pinagpatuloy na ang ginagawa.
Napahawak ako sa aking dibdib ng maramdamang sumakit ito. Bakit nararamdaman ko 'to? Bakit parang apektado ako?
Parang pinupunit ang puso ko sa sakit ng marinig ko ang kwento ni ate sa magulang ni Sir.
"Hoy, okay ka lang ba? Tapusin na natin ang ginagawa natin." Sabi nito na nagpagising ng diwa ko.
"O-Okay p-po ate..." Nauutal kong sabi pero hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib.
Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.
Naaawa ba ako sa sinapit ng magulang ni sir?
Hindi ko na alam eh.