Kabanata 7

1347 Words
Kabanata 7 Enroll Pagkatapos ng pag-uusap namin ni ate at sa pagdidilig ng halaman sa labas ay pumasok na kami sa loob. Hindi ko alam kung bakit parang ang lungkot lungkot ko ng marinig ang kwento sa pamilya ni Sir. Ano kayang naramdaman nito nong mga araw na 'yon? Gaga ka ba Azalea? Syempre, malungkot 'yon at nasasaktan. Hays naku naman... "Oh.. Punta muna ako sa kwarto natin, dito ka nalang muna sa sala." Sabi ni ate kaya tumango ako. Umupo muna ako sa sala at nagpahinga. Wala pa naman yatang iuutos si manang kaya okay lang na umupo muna saglit. Nakakapagod rin 'yong ginawa namin pero kahit na ganun ay na experience ko kung paano gawin 'yun sa ibang bahay. Inaamin ko naman na minsan ginagawa ko yong pagdidilig ng halaman sa bahay namin pero kapag nahuhuli nilang ginagawa ko 'yon ay sinasaway nila ako. Kaya masaya ako na nagagawa ko ang bagay na hindi ko pa nagagawa sa tanang buhay ko. Alam kong magiging masaya ang mga taong malapit sa akin kapag nalaman nilang masaya ako sa ginagawa ko. Nakaramdaman ako ng pananabik ng maalala ko ang pamilya ko. Miss na miss ko na sila pero hindi ko kayang talikuran ang pangarap ko na maranasan ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa. Agad kong pinunas ang luha ko ng may pumatak sa pisngi ko. "Miss na miss ko na talaga sila." Bulong ko at huminga ng malalim. Napaangat ako ng tingin ng maramdaman kong may lumapit sa harapan ko. Bigla akong napatayo ng makita si Sir. "What are you doing here?" Malamig nitong tanong kaya kinabahan ako. "Ahm.. Nagpapahinga lang po saglit, nagdilig po kasi kami sa labas." Sagot ko. "Then, what happened to your eyes?" Masungit nitong tanong na nagpagulat sa akin. B-Bakit bigla siyang naging concern sa akin? "Napuwing lang po ako Sir hehehe." Pagsisinungaling ko at umiwas ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa misteryoso nitong mga mata. Kasi sa tuwing tinititigan ko siya ay nagiging abnormal ang t***k ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. "Bring me a coffee in my office." Sambit nito at tumalikod na sa akin. Hindi niya manlang hinintay ang pagtango ko. Hindi ba ito papasok sa company nila? Siguro, hindi kasi kung papasok 'yon dapat kanina pa ito nakaalis. Agad na akong naglakad papunta sa kusina para asikasuhin ang kape nito baka mapagalitan pa ako kung magtatagal pa ako. "Si Sir ba nag-uutos niyan sayo?" Tanong sa akin ni ate ng makitang nagtitimpla ako ng kape. "Opo, ate..." Sagot ko. "May problema na naman ata si Sir kaya hindi pumasok." Sabi nito na nagpukaw sa atensyon ko. "P-Problema?" "Oo, dito yan namamalagi kapag may prinoproblema." Sabi nito. "A-Ah.. Sige po ate, ihatid ko lang 'tong kape ni Sir." Agad kong sabi ng matapos na ako. Tumango ito sa akin at dumiretso na ako sa opisina nito. Ano kayang problema ni Sir ngayon? Sa kompanya ba nito? Baka makatulong ako. Agad kong kinutungan ang sarili ko ng maisip 'yon. Baliw ka na ba, Azalea? Sino ka ba para tulungan siya? Isa ka lang naman katulong dito. Nang nasa harap na ako ay kumatok muna ako ng tatlong beses. "Sir? Nandito na po ang kape ninyo." Sabi ko at narinig kong nagsalita ito sa loob. Agad kong binuksan ito at pumasok na. Nakita ko siyang busy sa mga papel na nakalapag sa lamesa nito. "Sir, here's your coffee po." Magaling kong sabi at nilingon niya ako. "You know how to english huh?" He said and smirked at me. "P-Po?" Natataranta kong sabi. "Nevermind," malamig nitong sabi kaya nakahinga ako ng malalim. "Ahm.. Sir, balik na po ako sa kusina." Nakayuko kong sabi. "No, I want you to help me with this." Sabi nito kaya napaangat ako ng tingin. "Ano pong gagawin ko?" Tanong ko. "Ayusin mo lang ang pagkaka-arrange ng mga papel and you will see the number in the right side from 1 to 100." Sabi nito habang tinuturo ang mga papel na nasa isang lamesa nito kaya tumango ako. Pumunta na ako sa tabi ng kanyang table at umupo. Ang dami namang papeles ang nandito pero okay lang naman at least may gagawin na rin ako. Medyo naiilang ako dahil sobrang tahimik ng atmosphere sa loob ng office niya. Nagkibit-balikat nalang ako at ginawa ko na lamang ang pinapagawa niya sa akin. Sa gitna ng pag-aayos ko ay biglang nagsalita si sir na nagpukaw ng atensyon ko. "Are you still studying?" Tanong nito kaya kahit naguguluhan ay sinagot ko siya. "Nag-stop na po ako." Sagot ko at nakita kong tumaas ang kilay nito at parang hindi naniniwala. Bakit parang pakiramdam ko ay may tinatago siya sa akin? "Anong grade mo na?" Tanong nito habang nakatitig sa akin. Para akong sinisilaban ng init ng makita siyang nakatitig sa akin. "Natapos ko na po ang 3rd year college kaya I'm coming fourth year na po." Sambit ko. Yes, I'm incoming fourth year na pero nag stop na ako because of my personal reason. Tutol ang mga magulang ko sa paghinto ng pag-aaral ko lalong lalo na graduating na ako pero wala silang choice kundi sundin ang gusto ko. Actually, I want to finish my college and take a board exam after I graduate but I choose this work dahil alam kong marami akong matutunan na mga bagay na hindi pinaranas sa akin ng mga magulang ko. Sobra nila akong mahal kaya they don't want me to suffer. "1 yr. Nalang pero huminto ka sa pag-aaral, hindi ka ba nasasayangan? What course did you take?" Tanong nito. "Nasasayangan rin po but I have my personal reason po." Sambit ko at nakita kong kinuyom nito ang kanyang kamao kaya napatitig ako dito. Anong nangyayari sa kanya? Pumunta ang tingin ko sa kanyang mukha at nakita kong nag-iba ang timpla ng mukha nito at umiwas ito ng tingin. "Sir, okay lang po ba kayo?" Nag-aalala kong sabi. May nasabi ba akong ikagagalit niya? Naguguluhan na ako. "Yes," malamig nitong sabi kaya napatango ako. "Ahm.. Nursing po yong kinuha kong course." Nakangiti kong sabi. "Do you want to study again?" Sabi nito na nagpagulat sa akin. Wala na yong galit na nakita ko sa mukha niya kanina. "B-Bakit niyo po natanong? Okay lang po sa akin na hindi po ako mag-aral." Sagot ko at medyo malungkot ako dahil sa naranasan ko nong ako'y nag-aaral pa. "Answer my question." Seryoso nitong sabi kaya napayuko ako. Ayoko sana pero may gumugulo sa isipin ko. "O-Opo," nakapikit kong sabi, inaamin kong gusto kong pang tapusin yong course ko. "Then, it's settle. I-eenroll kita sa isang university." Sabi nito na nagpagulat sa akin kaya hindi ko mapigilang mapatayo. "U-University? T-Totoo po ba yan?" Hindi ko makapaniwalang tanong. "Yes, my secretary will find you the best university." Seryoso nitong sabi kaya hindi ko mapigilang lumapit sa kanya at bigla ko nalang siyang niyakap. "S-Salamat sir!" Masaya kong sabi. Nag-uumapaw sa tuwa ang puso ko at hindi pa rin ako makapaniwalang makakatapak ako sa university ng walang inaalala at maging normal na student. This is the first time na mag-aaral ako sa labas because since, I was in elementary naka-home schooled lang ako. Yes, you heard it right. Naka-home schooled lang ako until mag college ako at tuwing weekend lang ako pinapasyal ng private teacher ko sa university to use the laboratory. Nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko 'yon but I don't have a choice but to agree with them because I know it's for my own at masaya naman ako na pinayagan nila akong kunin itong course na ito kahit na ayaw nila. "Let me go." Matigas na sabi nito kaya doon lamang bumalik sa isipan ko ang ginawa ko kaya agad ko siyang binitawan at mabilis na pinahid ang luhang tumulo sa pisngi ko. "I'm sorry sir." Paghingi ko ng paumanhin. "Go back to your work and don't do that again." Sabi nito kaya namula ang pisngi ko at umiwas ng tingin. "Yes sir." Sabi ko at agad na tumalikod sa kanya. Dinama ko ang aking dibdib na patuloy na tumitibok ng mabilis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD