Kabanata 8 Concern Pagkatapos ng pinapagawa sa akin ni sir ay agad na akong nagpaalam sa kanya na lalabas na ako at tumango lamang ito sa akin. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto namin at napahiga ako sa kama. Kinuha ko ang unan ko at tinakip sa mukha ko at doon na nga akong nagsimulang magtili. Sobrang kahihiyan ang ginawa ko kanina at hindi ko mapigilang kiligin ng mayakap ko siya kanina. "Oh my, ba't ganun." Bulong ko habang nakangiti. Para akong ewan dito at hindi ko alam kung bakit sobra akong natutuwa ngayon. Siguro, dahil sa sinabi nito? O yong pagdama ko ng kanyang katawan sa akin? Sh*t! Maghulos-dili ka Azalea! Pinaypayan ko ang sarili ko dahil sobrang pawis ko na dahil sa pagbaling baling ko sa kama at pagtili ko. "Bakit ganito ang nararamdaman ko?" Bulong ko haban