Kabanata 9 Kilig Pagkarating ko sa kusina ay agad kong sinabi kay manang na ipapahatid nalang ni sir ang pagkain nito. "Sige wait lang ha, ayusin ko lang 'to tapos pagkatapos mong ihatid 'to kay sir ay bumaba ka dito para makakain na rin tayo." Sabi ni manang habang abala sa pag-aayos ng pagkain ni sir. "Sige po, nga po pala na saan po si ate?" Tanong ko ng hindi ko makita si ate sa kusina. "Nasa laundry, may pinababad lang ako sa kanya." Sabi nito kaya napatango ako. "Manang, dadalhan ko rin daw po siya ng extrang plato." Sabi ko kay manang. "Huh? Anong gagawin niya?" Nagtataka nitong sabi at nagkibit balikat naman ako dahil hindi ko rin alam. "Ewan ko po, hindi ko rin po alam." Sabi ko kaya kumuha na rin si manang ng isang plato at nilagay sa tray. "Oh.. Ito na, ihatid mo na kay