Kabanata 10 Jacket Kinabukasan, nagmamadali akong lumabas sa kwarto namin dahil na late na naman akong nagising at hindi manlang ako ginising ni ate. Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko silang busy sa pag-aayos ng mga gamit. Biglang napatingin sa akin si manang at kinabahan ako sa titig nito. "Anong oras na? At bakit ngayon ka lang bumaba dito?" Medyo galit nitong sabi kaya mas lalo akong kinabahan. "Sorry po manang, hindi na po mauulit." Nakayuko kong sabi. "Turuan mo nga itong si Azalea, hindi pwedeng palagi nalang siyang tanghaling nagigising." Sabi nito kay ate at umalis si manang sa kusina kaya agad akong lumapit kay ate. "Ate naman," pagmamaktol ko kay ate dahil hindi niya ako ginising. "Sorry na baby girl, ang ganda kasi ng tulog mo kaya hindi na kita nagising." Sabi nit