Kabanata 11 Jealous Pagkarating namin sa mall ay pinark niya muna ang sasakyan dito sa parking lot at pagkatapos ay nauna na 'kong bumaba dahil gusto ko na talagang mag-grocery. "Bakit parang nagmamadali ka?" Biglang tanong sakin ni Sir kaya napalingon ako sa kanya. "Ah... Gusto ko na po kasing pumunta sa supermarket." "Then let's go, sumunod ka lang sakin at wag kang lalayo, okay?" Sabi nito kaya tumango ako. Humakbang na 'ko ng magsimula na siyang maglakad. Pagpasok namin ay hindi ko mapigilang mamangha sa mga nakikita ko sa paligid at hindi ko mapigilang mapahinto at hawakan ang teddy bear na nakasabit sa gilid. "Ang cute mo naman." Nakangiti kong bulong. "Azalea!" Bigla kong binitawan ang teddy bear ng marinig ko ang pangalan ko. Nakita kong malayo na pala si Sir at matalim