Kabanata 12 Confused "Good afternoon sir and ma'am, here's the menu." Magalang na bati sa amin ng waitress at inabot nito ang menu nila. Ngumiti ako ng pabalik pero itong si Sir ay tinanggap lamang ang menu kaya napasimangot ako. "Choose whatever you want." Sabi nito kaya napatingin agad ako sa hawal hawak kong menu. Napangiti ako ng palihim dahil miss na miss ko na yong mga ganitong pagkain na nasa menu nila. "My order is spaghetti bolognese, grilled chicken steak and apple juice." Sambit ni Sir. "Alright, sir." "How about you?" Napatingin ako kay sir ng tanungin niya 'ko kaya tumingin ako sa babae. "Ma'am, isang red win--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita si sir. "What!? Red wine?" Nagulat ako sa tanong niya. "Sabi mo po kasi ay pumili ako ng kahit ano." "Oo nga! Pero yan