Masakit ang buong katawan ni Vicky nang magising siya. Nasa loob siya ng hospital room at amoy na amoy niya ang iba't ibang gamot sa paligid niya. Naroon si Suzi na nakaupo at nakapikit ang mga mata habang nagbabantay sa kaniya. Nasa may sofa naman sina Russel at Shine na magkatabi habang natutulog. Umibis ang luha sa kaniyang mga mata nang maalala ang nangyari. Wala na ang kaniyang ina. Wala na itong buhay nang isugod sila sa hospital at kahit na umasa siya magagamot ang kaniyang ina at makakaabot pa sila ay hindi nangyari. Humawak siya sa kaniyang ulo na nakabenda. Masakit ito at kumikirot. Nagising si Suzi dahil sa ingay na nagagawa ng kaniyang pag-iyak. Mabilis siya nitong niyakap nang mahigpit. "Vickierela, Mabuti naman gising ka na. Nag-alala kami sa iyo nang husto," umiiyak na sa

