"Love, opening ng clothing line ko sa Saturday at naisip ko na magkaroon ng masquerade party. I invited my friends and relatives for that special event. Si Dad na ang bahala sa venue. Ito ang unang clothing line ko rito sa Tarlac. And I'm super duper excited," nangingislap ang mga matang ani Amanda na nilapitan ang kaniyang kasintahan na tila may malalim na iniisip habang nakatingin sa malayo. Iniyakap niya ang mga kamay sa bewang nito at isinubsob ang mukha sa likod ng kasintahan. "May problema ka, Love? Tell me baka makatulong ako? You need money or---" "Shut up!" malakas na sabi nito at saka marahas na tinangal ang kaniyang kamay na nakayakap sa bewang nito. "Why! May problema ka ba, Gas? Tungkol ba iyan sa nangyari kanina kay Rico. Dapat lamang iyon sa katulad niyang traydor. Kung

