Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa kaniyang balat. Ang preskong sariwang hangin na kaniyang nalalanghap habang nakatingin si Vicky sa malayo at nakatingala sa mga bituwin sa langit. Hawak niya ang larawan ng kaniyang namapyapang ina. At ang kuwintas na ibinigay niya kay Travis. Ipinapangako ni Vicky sa kaniyang sarili na wawakasan ang masamang gawain ng ama. Ngunit kailangan niyang sundin muna ang lahat ng mga sasabihin nito. Hanggang sa mapaamo niya ito at mahulog ang loob nito sa kaniya bilang anak. Kapag nangyari iyon ay magagawa na ni Vicky na tawagan si Agent Lapuz at ipaalam ang kinaroroonan ng kaniyang ama. Nagtatago ito sa batas ngunit patuloy pa rin sa paggawa ng masama. Patay na si Amanda at wala na siyang nakikitang dahilan pa para hindi niya magawa ang binabalak niy

