NAKATINGIN sa dagat si Vicky habang nakahalukipkip. Pinapanuod niya ang mga banana boat na hinihila ng motorboat. Nakayapak siya at damang-dama niya ang malamig na tubig na humahampas sa kaniyang mga paa at binti. Nakiusap siya kay Manong Nestor na huminto sandali bago bumalik sa resort. At pinagbigyan naman siya ng matanda sa hiling niya rito. "Senyorita Vicky, halina po kayo. Kailangan na po nating bumalik dahil kanina pa po kayo hinahanap ni Don Berto," ani Manong Nestor nang lapitan siya nito. Kumunot ang kaniyang noo sa palayaw ng kaniyang ama. Ngumiti siya sa matanda na nasa tabi niya. Dahil hindi pa nakakalabas ang kaniyang ama para makipag-transaction ay siya ang inutusan nito. Pumayag si Vicky na gawin ang bagay na iyon kahit na nangingilabot siya. Ginagawa niya iyon para mailap

