HINDI dalawin ng antok si Vicky kaya naisipan na lamang niya na lumabas ng dampa. Tulog na tulog na si Manong Nestor at naghihilik pa ito. Ginugulo siya ng kaniyang isipan at gusto niyang makita ulit si Travis. Napakaraming pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi kaya totoo na nawalan ito ng alaala? Isang linggo itong nawala at hinanap. Possible iyong mangyari dahil sa naging sitwasyon ni Travis. Dala ang kaniyang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan ay nagtungo si Vicky sa may daungan ng mga bangka. Tahimik na ang paligid at wala na ang mga nag-iinuman. Inililipad ng hangin ang kaniyang buhok at nakatingin sa maliwanag na buwan. Itinaas niya ang isa niyang kamay para takpan ang buwan sa kaniyang palad. Ngunit hindi niya magawa. Naalala niya si Travis ito lamang ang nakakagawa niyon dahil

