NAKAHARAP si Vicky sa kaniyang closet habang nakasuot ng off shoulder na black dress na fit na fit sa kaniya. Naglalagay siya ng makapal na lipstick katulad nang ginagawa ni Amanda. Galit ang nasa puso niya habang nakatingin aa kaniyang sarili. Ibang-iba na siya sa dating Vickierela. Mula nang unti-unting namatay ang puso niya dahil sa nangyari sa kaniyang ina. At ngayon tinalikuran na siya ni Travis. Hindi alam ni Vicky ang nasa isip ni Travis. Pero kung anuman iyon ay wala na siyang balak na alamin. Bumabalik sa kaniya ang ginawa nito at ni Amanda. Kinuha ni Vicky ang kaniyang pouch at saka lumabas ng kuwarto niya. Nagkasalubong sila ni Amanda. Tumingin ito sa kaniya mula ulo hanggang paa. "Look at you. Naging mukha kang tao." Nginisihan siya nito at saka humalukipkip. "Paano mo nauto

