NAPANGISI si Vicky dahil alam niyang nakasunod sa kaniya si Travis. Halata niya ang kilos nito sa kanilang likuran ni David. Mula Pangasinan ay nagtungo siya ng Tarlac para lamang mailayo si David. Lalo niyang idinikit ang katawan sa binata at saka ngumiti rito. "Vicks, alam mo ba na pinagtitinginan ka ng mga lalaki rito? You look so beautiful," bulong nito sa kaniyang tenga. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at saka ngumiti. "Thanks, David. You want to protect me from the people who stares at me? Sinabi mo rin iyan noong una tayong nagkita kaya naman naisip ko na huwag nang patagalin pa. I like you too." "How I can do it?" Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay at hinagkan iyon. "I want a proposal." Seryoso niyang tinignan si David. Pinag-isipan niya ng matagal ang planong binaba

