Hindi maganda ang kutob ni Travis kaya sinundan niya si Will Pascua. Ano ang ginagawa ng gagong iyon dito? Tsk! Sinipa ni Travis ang sementadong upuan ng pathway. Habang nakatingin kay Will na may kinakausap sa cellphone. Iniwan niya ito sa mansion na kasama si Amanda kahapon. At ngayon naman ay may balak itong hindi maganda kay Vicky. Kumukulo ang kaniyang dugo habang iniisip ang kaya nitong gawin kay Vicky. Nasa delikadong sitwasyon si Vicky sa oras na malaman ni Will na isa siyang agent. Kailangan niyang sabihin kay Vicky na isekreto ang kaniyang katauhan lalo na sa ibang tao. Walang nakakaalam maliban kina Suzi at Vicky na agent siya rito sa eskuwelahan. Ang alam ng mga ito ay isa siya g negosyante na kaibigan ni Russel Sebastian. Umalis si Will matapos nitong makipag-usap sa cell p

