Inilabas ni Travis ang kaniyang nag-iisang kotse sa kaniyang garahw upang gamitin ngayong araw para pagsundo kina Feya, Suzi at Vicky. Naisip ni Travis na gamitin ang unang kotse na nabili niya, gamit ang sarili niyang pera. Isang Honda Civic na gray at silver ang kulay. Suot niya ang polo t-shirt na iniregalo sa kaniya ni Vicky noong pasko at maong fitted pants na kulya black. Naka converse si Travis at may sunglasses na suot. Ginulo ni Travis ang alon-alon niyang buhok at sinipat ang sarili sa salamin. "Guwapo ka na," pagpupuri niya sa sariling repliksyon bago sumakay sa kaniyang kotse. Bahala na ang kapalaran at sitwasyon. Hindi niya kayang talikuran si Vicky at ang kaniyang mission. Buo na ang pasya ni Travis na gumawa ng isang malaking desisyon na alam niyang pagsisihan niya bandan

