Hindi malaman ni Vicky kung matutuwa siya o maiinis dahil sa nalaman niya na nandito rin sa Fierro si Travis. Nagtataka si Vicky kung bakit ngayon lamang hindi nagtungo sa kanilang bahay ang binata. Madadaanan naman nito ang kanilang bahay dahil nasa Purok Uno Fierro lamang sila at nasa Purok Dos naman ang bahay nito. "Ano kaya ang problema ng unggoy na iyon!" inis na sabi ni Vicky sa sarili habang nakatingin sa kisame. "Hindi man lamang ako itini-next o tinawagan man lang," nakangusong dagdag pa niya. Ipinikit ni Vicky ang kaniyang mga mata at pinilit na makatulog. Ngunit alas dose na ng gabi ay hindi pa rin siya makatulog. Hanggang sa abutin na lamang siya ng alas dos ng madaling araw na pabiling-biling sa kaniyang higaan. Umaga na nang nakatulog siya at masakit ang kaniyang ulo nang

