Kabanata 20

1051 Words

Nakakuyakoy ang mga paa ni Vicky habang nasa labas siya ng kaniyang bahay. Hawak niya ang kaniyang cellphone at naghihintay sa tawag o text sa kaniya ni Travis. Kahapon pa ito walang paramdam sa kaniya at nag-aalala na siya sa kaniyang kasintahan. Habang kumukuyakoy ay nakahawak din si Vicky sa kaniyang kuwintas na bigay sa kaniya ng kaniyang namayapang ama na si Edmundo Santiago, isang pulis inspektor. Ipinikit ni Vicky ang kaniyang mga mata. At inaalala ang masayang araw kung paano siya tinuruan ng kaniyang ama na dipensahan ang kaniyang sarili. "Miss na kita, 'tay. Alam kong masaya ka kung nasaan ka man ngayon." Malapad na ngumiti si Vicky at muling nagdilat ng mga mata. "Maraming lamok dito, anak. Bakit hindi ka pa pumasok para makapagpahinga. Alas diyes na at may pasok ka pa bukas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD