"Ano nga pala ang pinag-usapan ninyo no Mister Will Pascua kanina? Mukhang seryosong-seryoso kayong dalaga?" usisang tanong no Suzi habang nasa pamilihan sila. Dumiretso na sila roon para bumili ng giniling na karne ng baboy na gagamitin ng kaniyang ina para gumawa ng shanghain. Order kasi iyon sa kaniya ni Misis Madriaga, ang may-ari ng salon na suki nila ni Suzi. Magdiriwang daw kasi ng first birthday ang unang apo nito sa nag-iisang anak na lalaki. "Tungkol kay Samuel, concern ako sa bata, Suzi. May tungkulin tayo bilang mga guro na alamin ang sitwasyon ng ating nga estudyante. Lalo na kung nakikita natin na nahihirapan sila at hindi nagiging active sa klase. Naaawa ako sa sitwasyon ni Samuel, hiwalay na pala ang mga magulang niya. At nakatira siya sa poder ng kaniyang Tito Will. Kaya

