Hinila ni Vicky ang nobyong si Travis nang makaalis sina Will at Samuel para magtungo sa covered court upang pumila na roon. Ilang minuto na lamang at magsisimula na ang program para sa foundation day. "Mukha kang buhay na naimbalsamo, Travis. Este Lucresia. Saan mo naman nakuha ang pangalan na iyon. Nakakaloka ka!" tumatawang aniya na lumilinga sa paligid baka may makakita sa kanila. "Ang kapal-kapal ng make up mo tapos may wig ka pa na katulad ng buhok ni Dora." "Si Nanay Vanessa, sinabi niya sa akin na kahawig ko raw iyong kumare niya na nagpapautang ng mga panty at bra sa Maynila." Ipi-nout pa nito ang bibig at pinatunog ang labi. "Kiss mo ko, girl," maarteng anito na yumuko pa. "Ito ang usong hair style ngayon, Teacher Vicky. USO ngayon ang may mataas na slit, ang nakikita ang cleav

