Maaga pa lamang ay aligaga na si Vicky sa pag-aayos ng mga gamit niya. Basa pa ang kaniyang buhok na nakabalot ng puting tuwalya. Nakasuot siya ng kulay peach na uniform niya bilang teacher. Nakayapak pa siya habang abala sa pagbalik-balik sa kaniyang kuwarto patungong sala. Nakasalang pa sa sala ang mga ipri-ni-print niyang certificates ng awardees para sa foundation day grade level winners. Naayos na marahil ni Suzi ang mga sash at nakatoka naman sa isa nilang co-teacher ang plaque at flowers. "Vicky, alas syete pa lamang naman. Huwag kang natataranta dahil mas magiging matagal," anang kaniyang ina na nasa kusina at abala sa pagluluto ng mga pagkain na dadalhin sa eskuwelahan. Kasama nito ang kapit-bahay nilang si Aling Marites. Bumuga siya nang malalim at pinakalma ang sarili. Kung h

