Tila wala si sarili si Vicky habang nakatingin sa kaniyang mga estudyante. Pumasok siya sa paaralan kahit na wala siyang tulog. At iniisip niya ang tungkol sa mission ni Travis. Paano kung tama ang kutob niya na si Amanda ang boss nito. At si Amanda ang nakapatay sa Tatay ni Travis. Tsk, ano bang iniisip niya. Napakabata naman yata ni Amanda para pumatay? Ipinilig niya ang kaniyang ulo at saka nangalumbaba. Pero paano nga kung tama ang kutob niya? Ano ang gagawin niya kay Travis? "Bahala siya sa buhay niya!" naiinis na sabi niya at saka nilukot ang papel sa kaniyang lamesa. "Te-Teacher Vicky!" Napatingin si Vicky sa estudyante niyang nanlalaki ang mga mata at nakatingin sa kaniyang kamay. Bigla siyang natauhan at mabilis na inunay ang papel na nilukot niya. "Mali po ba ang ginawa ko?

