HINIHINTAY ni Vicky si Suzi na matapos sa klase nito dahil pupunta sila sa birthday party ni Samuel. Buong teachers pala ng Magsaysay Elementary School ay inimbita ni Will. At ang buong klase niya ay inimbita naman ni Samuel. Naunang umalis ang mga bata kasama ang mga magulang ng mga ito. Samantala ay naiwan pa silang teachers dahil sasakay sila sa van ni Suzi. At ang iba namang teachers ay sasakay sa owner ng kanilang principal. Ang ibang teachers ay may kaniya-kaniyang service na motor. Alas kuwartro y medya nang magtungo si Suzi sa kaniyang classroom. Kasama nito ang ibang teachers na sasakay sa van. Hindi inasahan ni Vicky na marami pala silang kasama ang akala niya ay sila lamang ni Suzi ang bisita. Mukhang nagkamali siya ng kutob. Narating nila ang Aragon Village. Bumungad sa kan

