"Ito maganda, barbie dolls," masayang sabi ni Suzi habang hawak nito ang ten inch na barbie doll na kulay violet ang buhok. At ang suot na bestida ay kulay pink. Pink din ang shoes at pink ang lahat ng gamit. "Ganito dapat ang iregalo mo, Vickierela." "Bakla, hindi babae ang reragaluhan mo kun'di lalaki. Lalaki iyong matipuno at guwapo hindi katulad mo na guwapo, makisig, matangkad pero ang lamya kumilos. Sayang ang kaguwapuhan mo, Suzi. Hindi mo napapansin ang mga sales lady na nakatingin sa iyo kanina. Akala nila isa kang artista." Tila nandiri ito sa kaniyang sinabi at saka hinampas siya sa nang magaan sa kaniyang balikat. "Yuck! Kabahan ka nga, Vickierela! Alam mo gusto ko talaga ng barbie noong bata ako e. Kaso pinanganak akong may lawit." Natatawang tinalikuran niya ang kaibigan a

