Pumayag si Vicky sa sinabi ni Suzi na kaibiganin nila si Will kaysa iwasan ito. Sa ganoong paraan ay matutulungan pa nila si Travis sa mission nito. Nakita ni Vicky si Will na nakatayo sa tindahan ng prutas ng Tita Rowena nito. Nakasandal ang binata roon habang kumakain ng saging. Nakatayo naman siya sa harapan ng bahay ni Suzi at hinihintay ang kaibigan. Mayamaya ay lumabas na ito at mabilis na sumakay sa van nito. Ilinabas ni Suzi ang van sa gate at isinara naman niya ang gate ng kaibigan bago pumasok sa van. "Huwag mong ipapahalata na iniiwasan mo siya, Vickierela. Tandaan mo na gagawin natin ito para makatulong kay Papa Travis." "Kinakabahan kasi ako kapag nakikita ko siya. Pakiramdam ko katapusan ko na..." Hinawakan niya ang puso na mabilis ang pagpintig. "Ako rin naman e. Kaso m

