"Ano bang nangyari? Paano mo siya nahuli? Paano mo siya nakita? Hindi ko maintindihan, Vickierela?" naguguluhang tanong ni Suzi habang pinapahid ang kaniyang luha sa mga mata. "May kinalaman ba ito sa plano mo kay Will? Nabanggit sa akin kanina ni Tita Vanessa na lumabas raw kayo ng batchmates natin. E, wala naman tayong kaklase na nandito sa Tarlac maliban sa ating tatlo nina Shine. Dinamay mo pa si Shine bilang alibi mo sa pagsisinungaling mo kay Tita Vanessa. Ano bang pumasok sa isip mo at nagsinungaling ka sa kaniya, Vicky?" "Sumama ako kay Will para pumunta sa bagong bukas na clothing line ni Amanda. Masquerade party iyon at ang lahat ng bisita ay nakamaskara. Pero... nakita ko si Travis na kasama ni Amanda. Hinalikan niya sa harapan namin ni Will si Travis at sinabi niya na fiancee

