"Nakita mo na kung gaano ka kamahal ni, Papa Travis. Masuwerte kayo sa isa't isa, Vicky. Alam mo maraming mga tao na naghahangad na maging masaya pagdating sa pag-ibig. Gusto nila iyong perfect na jowa nila. Haler! Walang perfect na tao, walang perfect na relasyon. At walang perfect na pagmamahal. Pero kahit na walang perfect sa mundo ginagawa pa rin ng taong mahal mo, ginagawa pa rin ni Papa Travis na pasayahin ka. Nakakainggit kayo." Umupo ito sa kama at tumingin sa mga rose petals na nagkalat sa sa bed sheet. Niyakap ni Vicky ang kaibigan na nag-e-emote. "I love you, bakla. Nandito ako para sa iyo, tayo na lamang ang mag-celebrate ng valentine's day. Every year mo na akong kasama, dapat masanay ka na." Sinimangutan siya ni Suzi. "Hanapan mo nga rin ako ng jowa ko, Vicky. Ireto mo ako

