"Sinasabi mo ba na asawa ni Vanessa ang pulis na nakaengkuwetro natin noon, Ismael?" nagtatakang tanong ni Silva habang kaharap ang matalik niyang kaibigan. Ka-partner niya ito sa negosyo at magiging kasama sa pagtakbo sa pulitika sa susunod na taon. "Iyon ang nalaman ko, Gilbert. Matagal na panahon na rin ang nakalipas mula nang mamatay si Edmundo dahil sa kaniyang pakikialam sa ating negosyo." Mabilis na ininom ni Gilbert ang alak sa kaniyang baso. "Mabuti lamang na namatay siya, kung ganoon." Tumawa si Ismael sa kaniyang sinabi. "Hanggang ngayon ba ay mahal mo pa rin si Vanessa. Huwag mong sabihin na sa nakalipas na dalawang dekada ay hindi naalis si Vanessa sa puso mo?" Tumingin siya sa malayo at saka tumango. "Si Vanessa lamang ang babaeng minahal ko ng totoo, Ismael. Siya lamang

