Habang hinihintay ni Vicky ang pagdating ni Suzi ay iniligpit na niya ang mga kalat sa kuwarto ni Travis. Winalisan niya ang lahat ng mga cartolinang pinagggupitan nito para ilagay sa garbage bag. Pati na rin ang mga lobo na hindi nito nagamit ay itinago niya sa drawer para muling magamit. Ngunit isang envelope ang nakita niya sa loob ng drawer. Kinuha niya iyon at saka binuksan. Alam niyang hindi tama ang gagawin niyang pakikialam sa mga gamit pero na-curious siya. Isang larawan ang laman niyon. Isang family picture ni Travis. Binatilyo na si Travis sa larawan at sa kalumaan ay may gasgas na at mantsa ang larawan. Hindi niya makitang mabuti ang larawan ng mga magulang nito na nakatayo sa magkabilang gilid ni Travis. Maliban sa family picture ay may ibang larawan pang laman ang envelope

