Mahigpit na hinawakan ni Travis ang kamay ni Amanda patalikod. Habang ang isang kamay niya ay nakalagay sa leeg nito at may hawak na baril. Hindi napaghandaan ni Travis ang sitwasyon dahil naunahan siya ni Will, ang gagong iyon. "Bitawan mo ang anak ko, Gaspar o kung sino ka man!" Banta ni Silva habang tinututukan siya nito ng baril. Ngumisi si Travis dahil alam niya na may kahinaan pa rin si Silva. "Hindi ako magdadalawang-isip na pasabugin ang bungo ni Amanda kung hindi ninyo ako papatakasin. Hindi ba gusto ninyo na makuha ang blue book na galing kay Will. Hindi ka ba nagtataka, Silva. Kung bakit na kay Will ang blue book?" Binalingan niya si Will na mabilis na lumapit kay Silva. Bakas sa mukha ni Silva ang pagkabigla sa sinabi niya. "Nasa vault ang blue book paano... paano napunta sa

