Humarap si Travis sa salamin ng kaniyang closet habang binebendahan ang kaniyang kamao na nagkandasugat-sugat dahil sa panunununtok niya sa pader. Kanina pa siya tinatawagan ni Amanda sa cellphone pero hindi niya iyon pinapansin. Isa lamang ang nasa isip ngayon ni Travis ang ituloy ang plano niya. Hindi niya hihiwalayan si Amanda alang-alang sa pagtitiwala ni Silva sa kaniya. Lalo na at nasa kaniya na ang mahalagang bagay na iniingatan ni Silva. Kahit na masakit sa kaniya na talikuran ang babaeng mahal niya para sa hustisya ay malugod niyang tatanggapin. Hinawakan niya ang kwintas na bigay sa kaniya ni Vicky. Balang araw ay mapapatawad din siya nito at maiintindihan nito kung bakit niya ito ginagawa. Kinuha ni Travis ang kaniyang baril sa ibabaw ng kama at saka isinuksok iyon sa bewang ni

