Nakahilig si Vicky sa balikat ni Travis habang nakaupo sila sa sofa. Nakataas ang kaniyang dalawang paa sa lamesita at nakatutok ang mga mata sa pinapanuod nilang action movie. Nilalaro naman ni Travis ang kaniyang kamay habang magkahawak-kamay silang dalawa. "Kailan ka babalik sa trabaho mo sa trabaho?" mahinang tanong ni Vicky sa kasintahan. "Bukas... pagkatapos kong nanuod ng foundation day sa school ninyo. May... may importante kasi akong gagawin. Kailangan kong magpanggap na... magpanggap na bakla." Mabilis na tiningala ni Vicky ang kasintahan na nakatutok ang mga mata sa pinapanuod nilang movie. "Ano! Magpapanggap kang bakla? Ganiyan ba talaga ang trabaho mo? Hindi ba iyon mahirap?" "Haler!" maarteng sabi ni Travis na umarte na parang bakla. "Travis is out... Mariposa is in."

