"What happened to my father?" namamawis kong tanong sa kabila nang panlalamig ng aking katawan. Hindi naman agad ako sinagot ni Aycxe kaya mabilis ko s'yang nilapitan at hinawakan sa balikat. "Tell me... what happened to my father?" nakikiusap kong tanong. Malungkot niya akong tiningnan. "Sumabog ang sinasakyan ng Daddy mo," namamaos niyang usal. Para akong naupos na kandila ng sandaling 'yon. Ilang beses kong pinaulit-ulit sa 'king utak ang sinabi niya. Nananaginip lang ako hindi ba? "H-He's safe right?" I barely manage to asked with my shattered voice. Marahan naman s'yang tumungo upang iwasan ang paningin ko. "I am sorry to tell you. He's... dead on the spot," pahinang sagot niya. Nawalan ako ng lakas nang narinig ko 'yon. Napasalampak ako sa buhangin dahilan para mabilis na u