Kinabukasan ay ramdam ko ang kaibahan ni Jairon, para bang hindi s'ya mapakali o anuman. "Natatae ka ba?" usisa ko nang hindi na ako nakatiis sa itsura niya. Daig niya pa 'yong na-eebak kung mamawis ng todo. Nasa condo ko na muli siya pagkatapos n'yang magbihis sa kanyang bahay. Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking itsura sa salamin habang kunot-noong pinagmamasdan ang maya't maya niyang pagkuskos sa kanyang kamay. Mabilis s'yang umayos ng tayo at tumingin sa 'kin. Tipid niya pa akong nginitian 'tsaka umiling ng bahagya. "I am just... excited," he said. My lips twitched because of that. "Malimit naman tayo mag-date ngayon ka pa nangiba," kibit-balikat na sambit ko. He just chuckled 'though it seems like he forced to do it. "Don't mind me. Just continue fixing yourself," he mumbled.