Hindi katulad noon ay masaya kaming naghapunan ng pamilya ko. Mayroon man sa aking loob na nalulungkot sapagkat malimit kong maalala si Quenevere dahil sa bahay namin ay ipinagsawalang bahala ko muna 'yon upang mapagtuunan ng pansin ang pagsasama-sama namin. Sa unang pagkakataon ay napagdesisyunan kong magpalipas ng gabi sa aming bahay. Nagpunta ako sa kwarto ko at marahang pinasadahan ng tingin ang paligid. Walang nagbago. Iyon ang una kong napansin. Ang mga m'webles, kama at iba pang bagay ay hindi man lang naibo sa kanilang mga lugar. I took a deep breath and laid down on my bed. Tulala kong tiningnan ang kisame habang inaalala ang mga masasayang kulitan namin ni Quenevere noon. Ilang saglit pa ay nakarinig ko ng tatlong mahina na katok mula sa pintuan. Mabagal itong bumukas hang