"Thank you..." Jairon uttered as he sit on my side. Nandito kami ngayon sa garden ng bahay nila. Nakaupo habang tinatanaw ang mga bituin at nagliliwanag na buwan. "Para sa'n?" tiningnan ko s'ya habang nakaangat ang isang kilay ko. He didn't look at me instead he stared at the night sky as his lips formed a little smile. "Kung hindi dahil sa ginawa mo ay baka hindi ko na kasama ang kapatid ko ngayon," aniya. Napahinga ako ng malalim at tumingin din sa kalangitan. "Kahit sino gagawin ang ginawa ko sakaling sila ang naroon sa aking posisyon," mahinang wika ko. Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin. Ang mga huni ng kuliglig ay malinaw mong maririnig sa tahimik na gabi. "Doon ko lang lubos na naintindihan ang nararamdaman mo..." Muling pag-imik niya. Mabagal ko naman s'yan