RAIDEN "Huwag na huwag kayong magbubukas ng pintuan," bilin ko sa dalawang yaya ni Junior bago ako umalis. Nag-iwan din ako ng ilang tauhan upang magbantay dito sa mansyon, just in case na may hindi magandang mangyari. Binilinan ko din ng maigi ang mga nanny, na huwag papapasukin sina Mommy at JZ sa loob ng kuwarto. Huwag magbubukas ng pintuan, kahit si Mommy pa iyon. Pagod na pagod na ang isip at katawan ko. Pagod na akong mag-overthink pero heto na naman. Sana hindi ang asawa ko ang nakita nila. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko nang makarating kami sa crime lab kung saan dinala ang bangkay na nakita nila. Hindi na ito makilala kaya hindi na din nila pinasilip pa sa akin. Pinakita nila sa akin ang gamit na na-recover sa bangkay. Wallet at kuwintas nga ito ng aking asawa.