THIRD POV Napangiti ang lalake nang mapanood ang news sa malaking tv sa kanilang secret room. Laman ng balita ang kaniyang kapatid na hinahanap ng asawa nito. What a jerk. Hindi nila ito puwedeng galawin dahil na din ayaw nilang magalit ang kapatid nila. Baka magrebelde na naman ito at maisipan na namang umalis. Kailangan nilang magsama-sama at magkaisa. Ayaw niyang magkagulo silang magkakapatid. "Nagawa mo na ang inuutos ko sa'yo?" tanong niya nang tumawag ang isa sa tauhan niya na nasa Manila. "Good." Sa ganitong paraan man lang ay maiganti niya ang kaniyang kapatid sa asawa nito. Kung hindi lang sila binalaan ni Penelope, baka pinabagsak na niya ang negosyo ng lalake. Kayang-kaya niyang gawin iyon, pero inaalala lang niya ang kaniyang kapatid. Hindi din naman niya puwedeng hayaan