RAIDEN "What happened to you?" tanong ko kay JZ. Umuwi kasi ito na mayroong pasa sa mukha at medyo magulo ang buhok. Wala naman akong pakialam kahit na mapuno pa ito ng pasa sa katawan. Nagulat lang ako dahil mukhang may kaaway ang babae. "Iyong kaibigan ng asawa mo!" pasigaw niyang sagot. "Ginawa sa'yo ni Pepper iyan?" Nangingiti ko namang tanong. "Oo! Sinampal niya ako at tinulak! Tapos nabangga ko iyong mga spoiled brats na iyon. Iyong isa doon ay anak ng shareholder mo sa kompanya." Tumango ako na kinainis naman niya. "Wala ka man lang gagawin?" naiinis niyang tanong. "Bakit ka kasi labas nang labas?" balewala namang sagot ko. Bumaba lang ako para kumuha ng alak, naubos na kasi ang alak ko sa kuwarto. Tulog na din si Junior at bukas na iyon gigising. Kailangan kong umino