RAIDEN Hindi na ako makapag-isip ng tama kaya nagpasundo na lang ako sa aking driver. Kanina pa ako nakatulala dito sa loob ng sasakyan. Gusto kong hanapin ang aking asawa pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Bukod kay Pepper, wala na siyang ibang kaibigan. Wala din siyang pamilya at kahit isang kamag-anak ay hindi ko din kilala. I feel so lost. Takot na takot ako na mag-isa dahil iniwan na niya ako. Matagal akong naging single at na-enjoy ko iyon. Ang pagdating ni Rosario sa buhay ko ay biglaan... but her company have given me comfort. Ngayon na umalis na siya, paano na lang ako? Hindi na ako sanay. Kailangan ko siya. Siya lang ang kailangan ko. This is my fault. Wala akong ibang puwedeng sisihin kung hindi ang sarili ko. Labis ko siyang sinaktan. Inapi-api siya ni Mom