Ang aking sling bag na may laman ng wallet at celphone ko lang ang aking dala, para makaalis ako agad. Maaga pa kaya wala pang gaanong sasakyan na dumadaan. Kapag naghintay ako ng taxi, baka aabutan lang ako ng liwanag. Sumasabay sa pagbuhos ng aking luha ang aking pawis. Para akong magkakasakit. Baka nabinat ako dahil sa nangyari at sa naipon na din na stress. Ngayon na umalis na ako sa mansyon na iyon at sa buhay ng aking asawa, dapat mawala na din ang stress na dulot nila sa akin. Mamaya-maya puwede na din siyang mag-file kaagad ng annulment. Hindi naman kailangan ang pirma ko. Hindi ko din kailangang um-attend ng hearing, dahil kayang-kaya niyang magbayad ng malaki para ma-process agad ang annulment case namin. Ilang blocks pa ang nilakad ko, bago may dumaan na taxi. Mabagal