Tuwang-tuwa ang mga bata nang sumakay kami ng airplane. Dahil private plane ang sinakyan namin, hindi gaanong hassle. Katabi ng mga bata ang kanilang mga yaya, habang si Pepper naman ang nakaupo sa tabi ko, dahil dini-discuss niya sa akin iyong isa sa mga bagong project na kailangang maaprubahan. Tulog na ang mga bata kaya kahit paano kampante na ako. Ang inaalala ko ay baka mapagod sila ng husto sa byahe. Pero mukhang ayos lang naman sila. Mahaba-haba pa man din ang flight namin. Wala akong tulog. Nakadilat lang ang aking mga mata habang nagtatrabaho. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan, nang malapit ng mag-landing ang eroplano. Sa mansyon sa Nueva Ecija kami dumiretso at hindi sa Manila, dahil may binuksan kaming bagong negosyo dito. "Kailan ka aalis?" tanong