PENELOPE Napapakamot na lang ako ng ulo habang nakasunod sa mga maligalig kong mga anak. Dinala ko sila dito sa isang park para makalanghap naman sila ng sariwang hangin. At mukhang enjoy na enjoy naman sila ngayon dahil kanina pa sila takbo nang takbo. Pawisan na ako, sa kabila ng malamig na klima. Napapasigaw ako sa tuwing nadadapa ang mga ito. Kahit babae si Tres, hindi din nagpahuli sa kakulitan. "Be careful, Dos!" Napapahilot na lang ako ng ulo ko. Mabuti na lang at naka-jogging pants at long sleeve shirt lang ako ngayon, dahil in-e-expect ko ng mangyari 'to. "Kami na po, Ma'am," sabi ng mga yaya nila. Kababalik lang nila dahil inutusan ko silang bumili ng makakain namin. Winawagayway ng mga ito ang hawak na makulay at malaking marshmallows kaya nagmamadali namang bumalik