"P-Paano'ng..." Umiling ako. "If this is a prank, hindi ako natutuwa, ha..." Pinilit kong tumawa. "Kapapanganak ko lang. Huwag mo akong biruin. Huwag niyo akong biruin." Umiling si Pepper. Tiningala ko naman ang asawa ko parehas sila ng expressions sa mukha ng kaibigan ko. "Honey," garalgal ang boses na tawag sa akin ng aking asawa. "Hon, ang anak natin. N-Nasaan siya? Nasa nursery room ba?" "Nasa morgue..." Pumiyok ang kaniyang boses. Ang masaganang luha mula sa kaniyang mga mata ay nagsimula ding bumuhos. "Nasa morgue ang baby natin..." "H-Hindi. Hindi magandang biro 'to. Huwag ka ng magsalita." Pinilit kong bumangon at bumaba mula sa kama, kahit pinipigilan nila ako ni Pepper. "Pupuntahan ko ang anak ko sa nursery room!" "Mahiga ka lang muna. Baka mapaano ka." "Hindi! Gu