Dismayadong-dismayado si Raiden sa kaniyang ina. Lumapit siya sa akin kaya agad naman na akong tumayo. Marahan niya akong hinila papasok ng mansyon. Sumunod naman ang kaniyang ina na hindi na tumatalab ang drama kaya dinaan na sa paghagulgol. "She killed your sister! And I heard her! She's just after your money! Kaya siya nagpabuntis sa'yo!" Hindi sumagot si Raiden. Tahimik ito at mukhang nagtitimpi sa kaniyang ina. "What's happening?" tanong ng byenan kong lalake na kararating lang. Si lolo ay napalabas din ng kaniyang silid dahil sa pagsigaw ng aking byenan. Napakalakas din ng hagulgol. Sobrang OA na. "Ano na naman ang nangyayari dito?" medyo aburidong tanong ni Lolo. Hindi ako nagsalita kahit nakatuon sa akin ang mga mata niya. "Si Rosario! Niloloko niya lang—" Naputol ang