Kanina pa ako nag-ra-rant kay Pepper. Panay lang naman ang tango ng kaibigan ko habang kumakain. "Oh, tapos?" tanong niya habang puno ng pagkain ang kaniyang bunganga. "Ayun nga, umalis na ako ng bahay..." "'Tapos?" ulit niya kaya asar na akong tumingin sa kaniya. "Ewan ko sa'yo, Pepper!" "Same here. Ewan ko din sa'yo, Penelope." Parehas kaming umirap. "Paulit-ulit na nga lang ang nangyayari. Paulit-ulit ulit din ang sasabihin ko sa'yo at alam kong memorize mo na." Bumuntong hininga ako. Wala bang ibang advice? Hindi iyong aalis. Hindi ako aalis. "Umuwi ka na lang sa inyo, Penelope... Matutuwa pa ang mga kapatid mo." "Pepper, may asawa na ako. Buntis din ako." "So? I support break up!" aniya sabay taas ng kamay kaya natahimik na lang ako. "Maayos naman ang pagsasama namin