UNO

1734 Words

RAIDEN Alam kong pahihirapan ako ni Rosario pero handa naman akong mahirapan. Ngayong araw ang first day niya sa kompanya kaya inagahan ko ang pagpasok. Pinili kong isuot ang pabiroto niyang suit ko. Siya pa ang bumili nito dati para sa akin. Ilang taon na ang nakaraan pero nandito pa din ang mga ito sa aking closet. Maging iyong mga gamit na iniwan niya nang umalis siya ay narito pa din. Hindi ko ito pinakialaman. "Good morning, Daddy!" Nakangiti kong pinagmasdan ang aking anak na nagkukuskos ng kaniyang mga mata. May pasok din siya ngayon sa school kaya hindi ko siya maisasama sa kompanya upang ma-meet niya ang kaniyang Mommy. Mamayang hapon na lang siguro pagkatapos ng kaniyang afternoon nap. Susunduin ko siya mamaya at dadalhin kay Rosario. Pagkatapos n'on ay mag-d-dinner ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD